Sa pandayan ng karalitaan

Ang karalitaan ay hindi hadlang para matupad ang iyong mga pangarap sa buhay, sa halip gawin mo itong isan malaking hamon para sa pagtatagumpay. Ang tagumpay ay malapit sa mga taong nagsisikap sa buhay na makaahon sa lusak na kinalalagyan.

Galing 'Ata sa Abroad 'Yan

Ako'y Pilipino, kulay ko'y kayumanggi. Dito ako nabuhay kaya dito rin ako mamatay.

Maraming tao ang nasisilaw sa mga pagkain, damit, at iba pa na galing sa ibang bansa. Tuloy, nalilimutan nila ang mga produkto na yari sa ating bansa.

 

Batay sa kasaysayan, hindi natin maiisantabi ang impluensiya na dulot ng mga dayuhan sa Pilipinas. Ang iba ay nakikipaglaban subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito maputol. Bakit kaya? Basahin na ang teksto at ng maunawaan.

Tata Selo

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang baliatng tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggigitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.

PAALAM SA PAGKABATA

Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim- iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko.
Sa kabilang silid, sa kuwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil na paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunud-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya.

Imping Negro

"BAKA makikipag-away ka na naman, Impen."

Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay.

"Hindi ho," paungol niyang tugon.

Ang Kalupi

Ang pagtingin sa panlabas na kaanyuhan ng isang tao kung minsan ay nagdudulot ng kapamahakan. Hindi ito gawain ng isang mabuting Kristiyano. Manapa'y mahalin natin ang ating kapwa upang mabuhay ng maayos at payapa.

Paalala
Ang mga akdang naririto ay pag-aari ng orihinal na may akda. Hindi inaangkin ng pahinang ito ang pag-aari. Nananatiling ang may akda ang syang may-ari nito. Ninanais lamang nito na ibahagi ito sa mga mambabasa lalo na sa mga mag-aaral na naghahanap ng mga aralin na nasa internet.

Maging maingat sa paggamit nito at panatilihing ibigay sa awtor o may akda ang pagkilala.

Ang karampatang-ari ay nasa orihinal na may akda.