Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ubod ng bait. Napamahal sa mga kapitbahay ang mag-asawa sapagkat ang mga ito ay matulungin sa lahat. Nakita rin ng diyosa ng araw ang lahat ng mabuting gawain ng mag-asawa at ito ay labis na natuwa sa kanila.
Subalit ang mag-asawa ay hindi lubusang masaya sapagkat sila ay hindi biniyayaan ng supling. Matagal nang nagsasama ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Tumatanda na ang mag-asawa at sila ay nalulungkot sa tuwing naiisip nila kung kanino nila iiwanan ang kanilang ari-arian. Naisip ng mag-asawa na ipamana na lamang ito sa isang malayong kamag-anak sakaling hindi talaga sila mabigyan ng anak.