Project logo

Photo courtesy of .

Isang Dosenang klase ng high school students

By Algae Densing

×

Algae Densing

First Published: 2013/07/25

CLOWNS – Ang official kenkoy ng class. May mga one-liner na gumigising sa lahat pag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung meron man, magigigng matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskuwela araw- araw.

GEEKS – Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo at bad trip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang result ng equation kung isa-substitute yung value ng X sa Y.

HOLLOW MAN – May dalawang uri ang H.M virus, ang type A at type B. Ang type A ay ang mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.

SPICE GIRLS – Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush, at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.

DA GWAPINGS – Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng utak ng mga DG.

CELEBRITIES – Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskuwelahan at mga kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitarian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskuwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebrities ay may matinding PR, pero mababang IQ.

GUINESS – Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay, kahit na laging mali ang sagot.

LEATHER GOODS – mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.

WEIRDOS – Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teachers’ enemy.

MGA ANAK NI RIZAL – Ang endangered species sa eskuwelahan. Straight ‘A’ students pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-curricular activities, at gimmicks.

BOB ONGS – Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto yung estudyanteng habang nagle-lecture yung teacher e pinaplano na yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates nya.

COMMONERS – Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.

Posibleng may mga estudyante na ang katangian ay kombinasyon ng mga nabanggit. Posible ring hindi lahat ng uri ng estudyante ay makikita sa iisang klase.
×

Algae Densing. "Isang Dosenang klase ng high school students." Cyberdasm. 2013/07/31. Accessed 2025/01/21. /publ/volume_6/articles/isang_dosenang_klase_ng_high_school_students/24-1-0-118.

Algae Densing. "Isang Dosenang klase ng high school students." Cyberdasm. 2013/07/31. Date of access 2025/01/21, /publ/volume_6/articles/isang_dosenang_klase_ng_high_school_students/24-1-0-118.

Algae Densing (2013/07/31). "Isang Dosenang klase ng high school students." Cyberdasm. Retrieved 2025/01/21, /publ/volume_6/articles/isang_dosenang_klase_ng_high_school_students/24-1-0-118.