Noong unang panahon ang talukab ng pagong ay makinis at walang mga lamat tulad ng sa ngayon. Palaging ipinagmamalaki ni pagong ang kanyang talukab. Araw-araw niya itong nililinis at pinapakintab. Ipinagmamayabang niya sa lahat na sa sobrang kinis at kintab nito ay maaring kang magsalamin dito.
Hindi lamang kilala si pagong dahil sa kanyang makinis at makintab na talukab. Kilala din siya na isa sa mga madadaldal na hayop sa gubat. Hindi nauubusan ng kuwento si pagong. Minsan nang nag-kausap sila ng kaibigan niyang si palaka ay hindi man lamang nakaimik ang madaldal ding si palaka dahil sa dami ng kuwento ni pagong. Halos buong maghapon na nagkuwento si pagong tungkol sa iba’t ibang bagay na nakikita nito sa kagubatan.
Isang araw habang nakikipag-kwentuhan si pagong sa mga kaibigang bibe ay may mga galang tagak ang huminto upang uminom sa may batis. Napagod sila sa kanilang biyahe galing sa ibang lugar kung kayat minabuti nilang huminto panandalian upang makapagpahinga.
Ang mga tagak ay maingay na nag-uusap tungkol sa kanilang mga nasaksihan sa kabilang ibayo kung saan sila nanggaling. Masaya silang nagtatawanan habang inaalala ang kagandahan ng bayan na kanilang binisita.
Narinig ng pagong ang kanilang pinag-uusapan at sa unang pagkakataon ay ito ay napatigil sa pagsasalita. Nakanganga ito habang nakikinig sa mga tagak. Samantalang nagtataka naman ang mga kaibigang bibe kung napano ang madaldal na pagong.
Habang nag-uusap pa rin ang mga tagak ay dali-daling sumabat si pagong. Gusto rin daw nitong sumama at makita ang mga sinasabi nilang mga lugar. Tiyak na maganda raw ito at marami pang masasarap na pagkain. Gusto niyang sumama upang sa ganoon ay maikukuwento rin niya sa mga kaibigan kung ano mga makikita niya roon. Naisip niya na meron na naman siyang bagong maikukuwento sa mga kaibigan lalo na at hindi pa rin nakakapunta ang mga iyon sa ibang lugar maliban sa kanilang tinitirahang gubat.
Nagtinginan ang mga tagak. Gusto man daw nila siyang isama ay hindi naman nila alam kung paano. Hindi naman siya nakakalipad tulad nila. Nag-isip ang mga tagak at si pagong kung paano nila maisasama ang hayop sa kanilang gala.
Nawawalan na nang pag-asa ang pagong ng biglang may naisip ang isa sa mga tagak. Pinag-usapan nila ito at maya-maya ay ipinaalam kay pagong ang plano. Maaari daw nila itong isama kung ito ay kakagat sa isang piraso ng kahoy na kagat-kagat naman ng dalawang tagak sa magkabilang dulo nang sa gayon mabubuhat nila si pagong. Ngunit kinakailangan ni pagong na manahimik at hindi magsalita ng matagal sapagkat malayo ang kanilang lalakbayin at baka ito ay mahulog.
Pumayag ang pagong. Kaya daw nitong hindi magsalita ng matagal kaya’t maya-maya ay lumuwas na nga ang mga tagak kasama siya.
Mahigpit ang kagat ni pagong sa kahoy nang sila ay nag-umpisang lumipad ngunit hindi pa sila nakakalayo ay nayamot na siya dahil sa katahimikang naririnig. Binukas niya ang kanyang bibig at uumpisahan na sanang kuwentuhan ang dalawang tagak na may hawak sa kanya nang bigla siyang bumulusok pababa. Walang nagawa ang dalawang tagak kundi tignan ang pagong ng mabilis na nahulog pababa.
Nahulog si pagong at pagbasak sa lupa ay tumama ang kanyang talukab sa isang malaking bato. Buti na lamang at ang matigas ang talukab at hindi ang kanyang ulo ang tumama sa bato. Sa taas at lakas ng pagbagsak niya ay nagkalamat-lamat ang kanyang talukab. Simula noon ay binawasan na ni pagong ang pagiging madaldal at ang kanyang makinang at makinis na talukab ay nagka-lamat-lamat na.