Noong unang panahon, may isang kaharian sa gawing hilaga ang matatagpuan sa gitna ng dalawang bundok. Ang kahariang ito ay tinatawag na Batalla. Sapagkat pinagigitnaan ng dalawang bundok, ang kaharian ay napalilibutan ng makapal na hamog sa buong umaga, maghapon at maging sa gabi. Maganda ang klima sa lugar; hindi maaraw at malamig maski sa buwan ng tag-init. Dahil dito, masarap kumain at pagkatapos ay matulog ng mahimbing.
Ang mga taong bayan ng Batalla ay malulusog at mababagal gumalaw dahil na rin sa kabigatan ng katawan. Maging ang kanilang hari at mga sundalo ay nanaba. Halos walang mabibigat na gawain ang mga taong bayan dahil sa nakakatamad na klima.
Narinig ng kabilang bayan na ang mga sundalo ng Batalla ay nananaba at mababagal ang galaw. Naisip nila kung sa gayon ay mahina sila. Kaya’t naisip ng kanilang hari na madali nilang masasakop ang Batalla. Naghanda ang bayan at sasakupin nila ang Batalla sa makalawa.
Walang kaalam-alam ang hari at taong bayan ng Batalla sa naka-ambang pananakop ng kabilang bayan. Tuloy pa rin sila sa pagkain ng marami at pagkatapos ay itinutulog nila ng mahimbing. Iyon lang ang tanging inatupag nila. Hindi man lamang sila nagsasanay upang ipagtanggol ang kanilang kaharian sa anumang pananakop.
Madaling araw nang pumuwesto ang mga mananakop sa paligid ng Batalla. Sinamantala nila ang himbing ng pagkakatulog ng bayan. Ngunit bago pa man din masimulan ng mga ito ang pag-atake ay may narinig silang mga sigaw. Inakala ng mga ito na iyon ay hudyat ng taong bayan para atakehin ng pabigla ang mga nanakop. Dahil sa gulat at takot nila sa mga narinig nilang kakaibang sigaw, nagsipagtakbuhan ang mga mananakop pabalik sa kanilang kaharian.
Samantala, ang inakala ng mga mananakop na mga sigaw ay tilaok pala ng mga manok na tandang. Dahil sa maagang nagigising ang mga manok ay nakita nila ang mga mandirigma ng kabilang bayan na nakaambang umatake sa Batalla. Pinilit ng mga tandang na gisingin ang mga taong bayan sa pamamagitan ng pag-tilaok upang maipaglaban nila ang bayan sa mga mananakop.
Sapagkat hindi natuloy ang pananakop dahil na rin sa tilaok ng mga tandang ay binigyan ng hari ang mga ito ng pabuya. Nilagyan niya ang bawat tandang ng korona sa kanilang ulo. Ito ay bilang pasasalamat at pagrespeto sa kanilang kabayanihan.
Simula noon ay ipinangako ng hari at ng taong bayan na magsisikap na sila na magsanay at hindi na rin sila magiging tamad. Simula rin noon ay tumitilaok na ang mga tandang sa tuwing pagsikat ng araw upang gisingin ang buong kaharian upang simulan na ang kanilang gawain sa pang-araw-araw.