Project logo

Photo courtesy of .

FIlipino - Panitikan

By

×

First Published: 2014/05/30

Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti and tanong sa bawat bilang.
Para sa bilang 1-5, piliin and titik ng pinaka-angkop na bigkas ng salita sa bawat pangungusap. Paitiman ang bilog ng tamang sagot.

1.Sa Noche Buena, kami ay maghahanda na _______at keso de bola.
A.hamὀn B. hamon C. human D. honam
2.hinipan ng pulis ang kanyang __________.
A.Pito B. pitὀ C. pitu-pitu D. pito-pito
3.Si Hen. Gregorio del Pilar ay ngapi sa __________ Tirad.
A.Pasong B. Pasὀng C. Pasόng D. Pasōng
4.Kapag lumaki na ang mga tanim mo, ilipat mo na sila sa malaking _______.
A.pasὀ B. paso• C. pἀsong D. pasō
5.Naku! Tumutulo na naman ang mga _________ ng NAWASA.
A.Tubo B. tubὀ C. tύbo D. paso•
Piliin ang titik ng wastong gamit ng salita sa pangungusap.
6.Kumuha siya _________ mansanas sa kahon.
A.Nang B. ng C. na D. ni
7.Marumi ang baso. Huwag mong ________ iyan.
A.Inumin B. Inuman C. uminom D. pag-inuman
8.H’wag mong _______ ng kalat ang kama mo.
A.Ipatong B. patungan C. patungin D. pagpatungan
9.Inaabangan ng mga tao ang __________ sa simbahan.
A.Agunyas B. bagtingting C. kalampag D. kalembang
10.Matapang ka ba talaga? Kung ganoon _________ kita.
A.Subukan B. susubukin C. susubukan D. sinusubukan
“Kung kinakailangan ang lakas upang maigupo ang isang mapaniil na pamahalaan o ang isang hari-hariang pinuno, wika ang mabuting tagapukaw sa mga anak ng lahi. Patay ang isang tao kapag walang kaluluwa. Mahigit pa sa patay ang isang bayan kapag walang isang wika”.
11.Alin sa mga sumusunod na malalim na salitang sa talata ang may kasalungat na
pares?
A.Tagapukaw-tagagising C. magupo-matalo
B.Tambuli-trumpeta D. mapaniil-mapagkandili
12. Sino ang tinutukoy na anak ng lahi sa talata?
A. Pamahalaan C. dayuhan
B. Pilipino D. malayo
13. Ano ang salitang-ugat ng tinapay?
A. Apay C. tina
B. Tapay D. napay
14. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
Ilista mo na lamang sa tubig ang aking utang.
A.Magbabayad din ng utang C. Tubig ang listahan
B.Kalimutan ang utang D. Nasa tubig ang utang
15. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito?
“Ang kabutihan mo sa buhay ang magiging hakbang sa pag-unlad”
A.Pagtutulad C. Pagpapalit-tawag
B.Pagwawangis D. Personipikasyon
16.“Malalim ang bulsa” ng kanyang nanay. Anong ibig sabihin nito?
A.Walang pera C. mapagbigay
B.Mapera D. kuripot
17.Siya’may kutsarang pilak nang ipinanganak. Nangangahulugan ito ng _______.
A.Tahimik C. mayaman
B.Masalita D. mahirap
18.Mahusay “maglubid ng buhangin ang taong gipit”. Anong ibig sabihin nito?
A.Magmayabang C. magpaikot-ikot
B.Magsinungaling D. mahirap
19.Ang daglat-panulat ni Severino Reyes ay ________.
A.Lola Nina C. Lola Basyang
B.Lila Puring D. Lola Pura
20.Ang daglat-panulat ni Marcelo H. del Pilar ay _______.
A.Supremo C. Dolores Manapat
B.KKK D. Saturnina Marapat
21.Ang _______ ay isang anyo ng panitikan.
A.Pasayaw C. pagbugtungan
B.Pasawikain D. patula
22.Ang Hudhud ay epiko ng mga ________.
A.Maranaw C. Ipugaw
B.Ilocano D. Bicolano
23.Ang kahulugan ng salitang daktinig ay _________.
A.Mikroskop C. Telepono
B.Mikropono D. teleskop
24.Nadapa ang batang tumakbo sa daan. Anong kayarian ng pangungusap na ito?
A.Payak C. hugnayan
B.Tambalan D. langkapan
25.Sa salitang sisiw, Alin ang diptonggo?
A.Is C. iw
B.Siw D. sis
26.Alin ang klaster sa salitang eroplano?
A.Ero C. rop
B.Pla D. lano
27.Ano ang pinakamaliit na makahulugang yunit ng tunog sa isang wika?
A.Morpema C. Panlapi
B.Ponema D. salitang-ugat
28.Aling bahagi ng pangungusap ang mali?
Madali ka papasa sa pagsusulit na ito kung pag-iisipang mabuti ang bawat aytem.
A.1 C. 2
B.3 D. 4
29.Ang awit sa pagpapatulog ng sanggol o paghehele ay tinatawag na __________.
A.Kundiman C. Klasikal
B.Oyayi D. Haraya
30.Ang bidasari ay epikong tungkol sa __________.
A.Bayan C. Romansa
B.Pampamilya D. pandigma
×

. "FIlipino - Panitikan." Cyberdasm. 2014/05/30. Accessed 2024/12/22. /publ/volume_1/questionnaires/filipino_panitikan/39-1-0-173.

. "FIlipino - Panitikan." Cyberdasm. 2014/05/30. Date of access 2024/12/22, /publ/volume_1/questionnaires/filipino_panitikan/39-1-0-173.

(2014/05/30). "FIlipino - Panitikan." Cyberdasm. Retrieved 2024/12/22, /publ/volume_1/questionnaires/filipino_panitikan/39-1-0-173.