1.1 Mababakas and simula-simula at pag-unlad ng ibat-ibang anyo ng panitikang Filipino sa ibat-ibang panahon simula noong bago dumating ang kastila.
1. Ang matandang Panitikang Pilipino ay karugtong ng mga unang kultura ng
a. Timog-Silangang Asya c. Timog-Kanlurang Asya
b. Timog-Hilagang Asya d. Hilagang-Kanlurang Asya
2. Ang matandang Panitikan ay nanggaling sa personal na pagsasamahan, sa mga institusyong sosyal at
a. kabuhayan. c. samahang makarelihiyon at pulitika.
b. pagpahalagang moral. d. impluwensiya ng mga dayuhan.
3. Ang paniniwala ng matandang Pilipino sa mga katutubong espirito ang nag-akay sa kanila sa paglikha ng
a. alamat. c. kwento ng kababalaghan.
b. pagpahalagang moral. d. Pabula.
4. Isang patunay na ang panitikang Tagalog ay nalahiran ng kulturang Sanskrito at Intsik ay mapapansin sa
a. pagsasayaw habang umaawit. c. umaawit habang umaarte.
b. pagbabasa ng tula na umaawit d. tumutula sa pag-arte
5. Ipinanganak and panitikang pangrelihiyon sa Pilipinas noong panahon nang Kastila
a. marami nang naging relihiyoso.
b. mag-aral ang Pilipino ng panitikan ng Kastila
c. iniutos and pagsulat ng mga paksa tungkol sa relihiyon.
d. maraming Pilipino ang nagpari.
6. Isang palatandaan ng pag-iisang dibdib ng panitikan ng kanluran at silangan noong panahon ng Kastila ay nang
a. tanggapin ng Pilipino ang kultura ng mga Kastila.
b. ang mga Kastila ay mag-aral ng wikang Filipino.
c. magsusulat ang mga Pilipino ng mga akdang may kulay Kristianismo.
d. pagsabayin and pagsulat ng wikang Kastila at Filipino.
7. Nagsimula ang pagsulat ng mga Pilipno ng mga paksang may damdaming pagkamakabayan sa panahon ng
a. pagsisimula ng pananakop ng mga Kastila.
b. kilusang propaganda at himagsikan.
c. paglunsad ng mga Amerika sa Leyte.
d. pamamayagpag ng kapangyarihang Hapon.
8. Ang akdang makarelihiyon ang nagging pambayanan at makabayan ang hilig sa panahon ng
a. pagbabago tungo sa kalayaan. c. propaganda at himagsik
b. pananalasa ng mga banyagang Kanluranin. d. paglusog ng mga kaisipang binansot.
9. Kaalinsabay ng pag-unlad ng nobelang Tagalog ang pag-unlad ng kaisipang pulitiko ng mga Pilipino sa panahon ng mga
a. propaganda ng himagsikan. c. Amerikano.
b. Hapon. d. kasalukuyan.
10. Upang mapanatili ang tempo ng mga berso, ang mga matatandang Pilipino ay gumagamit ng instrumentong
a. tambal. c. Amerikano.
b. gong. d. alpa.
11. Ang pangkat na mayaman na bersong naririnig kaysa nababasa tulad ng mga bugtong at salawikain ay ang
a. mga Bisaya c. mga Muslim
b. mga ilokano d. mga Tagalog
12. Ang mga sumusonod ay mga awit ng pag-ibig maliban sa
a. Diana. b. Kundiman. c. Balitao d. Kumintang.
13. Nang maganap ang mga pangyayari sa Cavite noong 1967 sa pagitan ni Don Sebastian d Corcuera at Cahil Corrlat noong 17 daang taon, dito nagsimula maisulat ang
a. dula b. moro-moro c. zarzuela d. ulat pangkasaysayan
14. Sa panahon ng kastila, ipinalagay na ang wikang kastila ay para lamang sa marurunong kaya’t marami sa mga manunulat ang gumagamit na kasangkapan sa Wikang Tagalog sa pagsulat ng
a. dula b. kawikaan c. tula d. bugtong
15. Ang mga sinaunang awit at tula ay nagkakatulad sa anyo sapagkat
a. Kapwa nasa anyong malayang taludturan.
b. Sinasabayan ng instumento kapag binibigkas.
c. Kapwa may sukat at tugma.
d. Maiikli lamang.
16. Ang malaking kaibahan ng matatandang panitikan noong panahon ng mga Kastila ay ang
a. Pagbabago ng mga paksa, awit at tula.
b. Pagamit ng wikang Kastila sa mga akda.
c. Pagdaragdag ng mga akdang epiko
d. Pagkabahid ng Kristianismo sa panitikan.
17. Sa panahon ng mga Kastila, karaniwang paksa ng mga manunulat and tungkol sa
a. Pagsilang ni Hesukristo hanggang pagkamatay.
b. Pagdarasal sa mga santo.
c. Pagkapako sa krus ni Hesukristo.
d. Pagmimilagro ng mga santo.
18. Sa panahon ng mga Amerikano nagiging popular ang Zarzuela at dahil dito, unti-unting namatay ang
a. Panahon c. moro-moro
b. awiting-bayan d. pasyon
19. Sa makabagong panahon, nagiging hamon sa mga manunulat na pasiglahin ang mga akdang pampanitikan nang magkaroon ng “Gantingpalang Palanca” na itinatatag noong
a. 1951 b. 1952 c. 1955 d. 1961
20. Utang sa “Ramon Roces Publication” ang muling pagsilang ng nobelang Tagalog noong 1925 hanggang 1914 dahil
a. Nabigyang laya ang kakayahan ng mga nobelistang de kalidad.
b. Naakit ang mga mambabasa dahil sa lingguhang paglimbag ng mga de-seryeng nobela.
c. Nabigyang pagkakataon na mailimbag ang mga may uring nobela.
d. Napahalagahan ang mga batikang nobelista.